Monday, November 29, 2010
Saturday, November 27, 2010
Thursday, November 25, 2010
Tuesday, November 23, 2010
Sunday, November 21, 2010
Friday, November 19, 2010
Wednesday, November 17, 2010
Monday, November 15, 2010
Saturday, November 13, 2010
Thursday, November 11, 2010
Tuesday, November 9, 2010
Sunday, November 7, 2010
Friday, November 5, 2010
Tuesday, November 2, 2010
Novena to San Antonio de Padua
Sa ngalan ng Ama, ng anak, at ng Espiritu Santo, AMEN
PAGSISISI
Diyos ko at aking lahat; sa Iyo ako ay sumasampalataya at
nananalig ng kailan ma'y hindi ako mapapahamak; iniibig kita
higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga
kasalanan; mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo
ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon
ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan
ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig
at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin
ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan
ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio
de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo
ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong
lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos
at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon
namin, Siya Nawa.
PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati
ng mga kristiyano, kerubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig
ng Dioys, ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo
ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain
at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala
at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming
mga hirap at sakit at aming takot na baka hindi mailigtas ang
kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo dahil sa
pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus
ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa kanya ang aming
mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na
hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan
at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki
ang iyong ligaya noong niyakap mo Siya sa iyong dibdib, idinikit sa
Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kanyang mga bulong. Isipin mo
ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang-alang sa iyong di masaysay
na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin
ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga
damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka
na namin maaring makita kung kaya't binabati ka namin,
O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang
itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo.
At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkalaoob sa amin ng
Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan,
(banggitin ang inyong mga kahiligan). O anghel ng pag-ibig,
ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian
mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo, Siya Nawa.
PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO
O matamis na Niño Hesus tanging pag-asa ng namimighating
kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong
mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya
na ipinagkaloob mo sa Iyong lingkod na si San Antonio noong siya'y
Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin
sa Iyo na pumarine Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang
sa Iyo'y umaasa sa tamis ng Iyong pagdalaw.
MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO
PARI: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at mananaggol
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at gawa
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan
ng Ordden ni San Francisco
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig at pinanrangalan ng Niño Hesus
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
MANALANGIN TAYO
Magdulot nawa ng tuwa, o Diyos sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon
ng Iyong Confessor at Doctor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas
dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang
walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon,
Siya Nawa.
HYMNO KAY SAN ANTONIO
Poong San Antonio, tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod Sa saliwang palad, salot at sakit
Sa Iyo lalapit ang bayang api Poong San Antonio, tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod Ang Diyos na sanggol, hari ng mundo
Ay kusang lumagay diyan sa bisig mo
Poong San Antonio, tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod
************************************
Source: Diocesan Chrine of San antonio de Padua
Diocese of San Pablo
Burzagom St, Pila, Laguna
Tel No. +63 49 5595078
Secial Devotional Services
Tuesdays 11:00am, 5:00pm, 6:30pm
Blessing of Bread and Flowers
Every 1st Tuesday of Every Month
Feastday: June 13
Shrine Anniversary: July 9
Monday, November 1, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)